“Paghanga”

Naranasan niyo na bang humanga sa isang tao?Ang crush ay paghanga minsan nawawala pero madalas lumalala. Ang paghanga sa isang tao ay normal lamang sa buhay natin. Madalas mangyari yan kaya palagi nalang tayo nakakakita nang mga taong nabigo, nagparaya, nasaktan at umaasa. Kagaya ko umaasa parin sa kanya kahit alam kong wala na.

Hindi ako maganda at hindi rin cute pero ako ay isang masayahing tao at mapagmahal sa pamilya at kapwa. Ako ay isang istudyante ng baitang labing-isa na nakaramdam ng paghanga sa isang tao na binalewala at hindi man lang binigyan ng pansin, ang sakit diba? Syempre ang sakit tagos sa puso kaya, pero nang dahil sa aking pamilya at mga kaibigan nagkaroon ako ng pag-asa na bumangon at humanga ulit. Sa pagkakataong ito, gusto ko sanang magkaroon ng crush na papansinin ako at magparamdam naman siya ng kahit kunti lang,yung may pag-asa naman ako sa kanya. Ano ba tong nararamdaman ko, naloloka at kinikilig na ako sa kanya!pero alam niyo walang nangyari eh pinakilig niya lang ako tapos sinaktan. Ang sakit sakit isipin dahil nalaman ko na siya ay may kasintahan na pala, ano ba yan hahanga nga lang ako yung may kasintahan pa halos mabaliw nako doon ha!. Ito na siguro ang sinasabi nila na pinagtagpo pero hindi tinadhana, hindi ako naniniwala diyan dahil alam niyo ang simpleng paghanga ko lumalala sa bawat tukso ng mga epal kong kaibigan. Lakas ng tama niya sakin yan tuloy nahulog na ko sa kanya.

Akala ko dati madali lang tanggapin na may iba ang iyong hinahangaan yung magparaya ka na lang para sa kanila, pero ang sakit pala kapag naranasan mo mismo at ang mas masakit pa doon ay wala kang kaparatang magalit dahil wala namang namamagitan sa inyo. Kaya kailangan ko ng itigil ang kabaliwan kong ito, yung wala kang crush para hindi kana masaktan dahil masakit isipin na nasasaktan ka pero wala ka namang karapatan. Ngayon, mamahalin ko na lang ang sarili ko at ang mga taong nagmamahal sa akin hindi pa ako masasaktan.

Advertisements